Litratong kuha ni Hitoshi Namura sa Unsplash
Isinulat ni: Aiya Rodjel
Ayon sa pambansang bayani na si Jose Rizal, “ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda.” Mahigit isang daang taon na mulang sinabi ni Rizal ito, ngunit may saysay pa rin ang kanyang sikat na kasabihan hanggang ngayon. Ito ay lalo pa’t ngayong buwan ay isinasagawa natin ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Bagama’t malayo sa isa’t-isa, maisasabuhay pa rin natin ang pagdiriwang nito online, sa pamamagitan ng mabilis na internet connection.
Hindi makakaila na mahusay ang mga Pilipino magsalita, makaintindi and magsulat ng wikang Ingles, ngunit importante pa rin na pahalagan ang sariling wika. Halos 80 taon na tinuturing na wikang pambansa ang Filipino. Hanggang ngayon, ginagamit ito sa araw-araw na gawain, at itinuturo ito sa eskwela upang ipagpatuloy ang pamana ng wikang ito sa kabataan. Mula sa Batanes hanggang Jolo, karaniwan na makakita ng taong magaling mag-Filipino.
Ngunit paano ba nagkaroon ng Buwan ng Wika? Alam ng marami ang Filipino, ngunit paano ito naging wika ng bansa? Sa artikulong ito, tatalakayin ang kasaysayan ng Buwan ng Wika, ang tema para sa Buwan ng Wika ngayong taon at mga ideya upang maipagdiwang ang wikang Filipino sa gitna ng pandemya. Bagama’t bawal makipagkita sa ibang mga tao, pwede pa ring magkatuwaan at magdiwang ng Buwan ng Wika.
Mga Wika sa Bansa
Sa katotohanan, mayroong mahigit isandaan at pitumpu’t limang mga katutubong wika sa Pilipinas. Dahil kapuluan ang ating bansa, iba’t iba ang wikang ginagamit ng mga taong naninirahan dito. Noong pagdating ng mga Kastila noong ika-16 na siglo, walang nag-iisang wika ang mga Pilipino. Karaniwan na marunong magsalita ng lima or higit pang mga wika ang mga katutubong Pilipino.
Naging wikang pambansa ng Pilipinas ang espanyol noong sinakop nila ang bansa. Dahil dito, maraming salita sa wikang Filipino ay nanggaling sa salitang Espanyol. Bukod dito, hindi makakaila ang impluwensya ng wikang Espanyol sa iba pang mga wika sa bansa.
Noong panahon ng mga Amerikano, naging Ingles ang pambansang wika ng Pilipinas. Mahigit pitumpung taon na mula nang magwakas ang pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas, ngunit malakas pa rin ang impluwensya ng Estados Unidos sa mga Pilipino. Sa katotohanan, milyun-milyong Pilipino ang mahusay sa paggamit ng wikang Ingles hanggang sa ngayon.
Pilipino bilang Wikang Pambansa
Matagal na ginagamit ng mga Pilipino ang wikang dayuhan bilang pambansang wika, at nakita ng mga Pilipino na panahon na para sa pagbabago. Kailangan ng bansa na mahalin ang sariling wika, at magkaroon ng wikang katutubo bilang pambansang wika. Noong Nobyembre 13, 1936, inaprubahan ng unang Pambansang Asamblea ng Philippine Commonwealth ang Commonwealth Act No. 184.
Lumikha ang batas na ito ng Institute of National Language (kalaunan ang Surián ng Wikang Pambansâ o SWP) at inaatasan ito sa paggawa ng isang pag-aaral at pagsisiyasat sa bawat umiiral na katutubong wika, na umaasang pipiliin kung alin ang magiging batayan para sa isang pamantayang pambansang wika.
Nang maglaon, nagtalaga si dating Pangulong Manuel L. Quezon ng mga kinatawan para sa bawat pangunahing wikang panrehiyon upang mabuo ang NLI. Pinangungunahan ni Jaime C. De Veyra, na naupo bilang pinuno ng Institute at bilang kinatawan ng Samar-Leyte-Visayan, ang mga miyembro ng Institute ay binubuo nina Santiago A. Fatiraier (kumakatawan sa mga rehiyon na nagsasalita ng Ilokano), Filemon Sotto (ang Cebu-Visayans), Casimiro Perfecto (the Bikolanos), Felix S. Sales Rodriguez (the Panay-Visayanans), Hadji Butu (the Languages of Muslim Filipino), and Cecilio Lopez (the Tagalogs).
Ang basehan ng Wikang Pambansa
Ayon sa resolusyon ng NLI noong Nobyembre 9, 1937, dapat ang wikang Tagalog ang basehan para sa wikang pambansa. Noong Disyembre 30, naglabas si Pangulong Quezon ng Executive Order No. 134. Noong 1937, inaprubahan ang pag-aampon ng Tagalog bilang wika ng Pilipinas, at idineklara at ipinahayag ang pambansang wika batay sa wikang Tagalog bilang pambansang wika ng Pilipinas. Nakasaad sa kautusan na magkakabisa ito dalawang taon mula sa pagpapahayag nito. Noong Disyembre 31 ng parehong taon, ipinahayag ng Quezon ang Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansâ.
Pagkatapos ng tatlong taon, ipinasa ng Pambansang Asamblea ang Batas ng Komonwelt Blg 570 na nagdedeklara na ang wikang pambansa ng Filipino ay maituturing na isang opisyal na wika mula Hulyo 4, 1946 (kasabay ng inaasahang petsa ng kalayaan ng bansa mula sa Estados Unidos). Noong taon ding iyon, ipinakilala ng Balarílà ng Wikang Pambansâ (o Gramatika ng Pambansang Wika) ng grammarian na si Lope K. Santos ang 20-titik na alpabetong Abakada na naging pamantayan ng wikang pambansa. Opisyal na ginamit ang alpabeto ng Institute for the Tagalog-Based National Language. Mula noon, kinilala nang Pilipino ang opisyal na wikang pambansa ng Pilipinas.
Historya ng Buwan ng Wika
Upang maging opisyal ang pagdiriwang ng pambansang wika, nilagdaan at ipinahayag ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong Hunyo 13, 1997 ang Pampanguluhang Proklamasyon Bilang 1041, s. 1997. Ayon sa batas na ito, ang Agosto ay Buwan ng Wikang Pambansa at Nasyonalismo. Dahil dito, kinikilala ng batas ang kahalagahan ng isang katutubong wika bilang mahalagang kasangkapan sa komunikasyon, unawaan, pagkakaisa at pambansang kaunlaran. Kasabay ang pagdiriwang ang buwan ng kapanganakan ni Pangulong Manuel L. Quezon, itinuturing na “Ama ng Wikang Pambansa.”
Ang pagpapahayag ng taunang Buwan ng Wikang Pambansa tuwing buwan ng Agosto ay pinangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Hanggang ngayon, sila ang nangunguna sa pagdiriwang ng wikang Pilipino tuwing Agosto.
Buwang ng Wika ngayong 2021
Sa gitna ng pandemya, hindi maaaring magdiwang ang mga tao ng magkakasama upang kilalanin ang Buwan ng Wika. Ngunit, maraming paraan para magdiwang habang magkalayo sa isa’t-isa.
Sa katotohanan, tuloy pa rin ang buhay at ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino, ang paksa o tema ng pagdiriwang ay “Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino”. Ang selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong 2021 ay nakasentro sa halaga ng Filipino at mga katutubong wika sa bansa bilang mabisang paraan ng dekolonisasyon ng kamalayan ng mga Pilipino, o pagiging ganap na malaya ng kaisipan sa impluwensya ng ibang bansa, lalo na ng mga dating kolonyal na mananakop.
Dahil sa globalisasyon at social media, malakas ang impluwensya ng mga dayuhan sa mga Pinoy, lalo na sa katabaan. Ngayong taong ito, ipinapaalala ng Komisyon sa Wikang Filipino ang kasaysayan ng wika. Kahit importante na maging mahusay sa ibang wika para sa pag-aaral at trabaho, hindi dapat kalimutan ang wikang Pilipino. Ngayong Buwan ng Wika, dapat lang na bigyang halaga ang sariling wika.
Ideas sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika
Kahit magkalayo tayong lahat sa isa’t-isa sa gitna ng pandemya, maraming paraan upang ipagdiwang ang Buwan ng Wika. Ang importante ay maging masaya habang pinagdiriwang ang okasyon na ito. Heto ang iba’t ibang ideya na pwedeng gawin kahit ikaw ay nasa bahay lamang.
Paggawa ng poster
Maaari mong ipakita ang iyong regalo ng sining sa paggawa ng poster na itampok ang kahalagahan ng wikang pambansa ng Pilipinas. Bukod sa paggamit ng wikang Filipino, pwede mong ipakita ang mga aspeto ng mga Pinoy na kakaiba. Magandang ideya ang i-highlight ang magagandang asal na likhang Pinoy, kagaya ng bayanihan at pagiging magalang sa mga nakatatanda. Upang makita ng ibang tao ang iyong gawa, maaari mo itong ipakita sa social media or gumawa ng sariling blog na nagpapakita ng iyong gawaing sining.
Magluto ng mga paborito mong pagkaing Pinoy.
Ang Buwan ng Wika ang perpektong okasyon upang magluto ng iyong paboritong pagkain. Mula ulam katulad ng sinigang o adobo, kakanin kagaya ng biko o sapin-sapin, pwede ka magluto sa iyong bahay. Ang maganda sa panahong ito, maaari mong bilhin ang sangkap ng kahit anong pagkain sa internet. Pwede mo ring hanapin online ang mga recipe ng gusto mong kainin. Ang ibig sabihin nito ay maaari mong makuha ang lahat ng kailangan mo kahit nasa bahay ka lang. Pwede ka rin mag-order ng iyong paboritong pagkain sa internet.
Bumisita ng Pilipinong museyo sa internet.
Dahil sa community quarantine, bawal lumabas at maglakbay kahit sa loob ng bansa. Kung nais mong maglakbay, madaming mga kinakailangan para payagan ng gobyerno. Dahil dito, madaming Pinoy ang nagliban ng kanilang paglakbay. Ganunpaman, maaari pa ring bumisita sa mga museyo at lugar sa internet. Bukas ang mga iba’t-ibang museyo kagaya ng Ayala Museum at National Museum sa publika.
Manuod ng Pinoy na pelikula.
Kung gusto mo ng medyo relaxed na selebrasyon, magandang idea ang manuod ng mga Pinoy na pelikula. Pwede mong panuorin ang iyong mga paboritong pelikula. Isang magandang idea rin ang panuod ng pelikula na tungkol sa pagmamahal sa sariling wika o bansa. Magandang halimbawa nito ay Heneral Luna o Dekada 70. Ang importante ay mag-enjoy ka sa wika at kasaysayan.
Mag-host ng online Filipino party.
Bawal magkita-kita ng maraming tao sa gitna ng communiy quarantine. Ngunit maaari pa ring makipagkita sa ibang tao gamit ang internet. Pwede mong imbitahin ang inyong mga kaibigan at kamag-anak sa isang Filipino-themed party. Sabihin mo sa mga naimbita na kailangan magsalita ng Pilipino ng buong party. Pwede rin kayong magdamit ng espesyal para dito.
Ideas Para Sa Mga Laro Online
Upang maging masaya ang iyong online Filipino party, importante na magkaroon ng nakakatuwang mga laro. Kahit malayo ka sa iyong mga kaibigan at kamag-anak, pwedeng magkatuwa sa gamit ng laro. Heto ang mga ideya para sa masasayang laro:
- Pinoy Henyo. Oo o hindi? Sobrang nakakatuwa ang larong ito dahil nagagamit ang mga utak ng mga maglalaro. Nagiging matindi ang laro na ito, at masaya itong laruin kahit na magkalayo. Ang kailangan niyo lang ay isang listahan ng konseptong Pinoy na kailangan hulaan ng mga maglalaro.
- Kahoot! Trivia Game. Kailangan mo manaliksik ng mga kagiliw-giliw na facts tungkol sa wikang Filipino. Pwede ring maging Pinoy ang tema ng laro. Ang ibig sabihin nito, maaaring pelikula, artista o kasaysayang Pilipino ang kategorya ng laro. Ang importante ay naka-highlight ang wikang Pilipino.
- Charades. Magaling ka ba umarte? Pwede mong ipakita sa lahat ang iyong galing kahit online sa paglaro ng charades. Bago simulan ang laro, dapat alam ng lahat na konseptong Pilipino lamang ang pwede iarte. Ibig sabihin nito pwedeng Pilipinong kanta, lugar or palabas ang kailangang hulaan ng maglalaro.
- Bingo. Isang nakakatuwang laro na pwedeng gawin kahit magkalayo sa isa’t-isa, pwede mong padalhan ng virtual card ang mga maglalaro. Maaari mo ring padalhan ng mga cards ang mga naimbita sa party kung nais mong magkaroon ng tradisyonal na aspeto sa laro. Ang importante ay magsaya kayong lahat, at may nakakatuwang premyo para sa mga nanalo.
- Pictionary. Kung hindi karamihan ang mga naimbita sa iyong party, masayang laruin ang Pictionary. Nakakatuwa makita ang mga gawain ng mga tao sa internet. Ang maganda sa online party ay pwede kayong magdrawing kahit walang poster, board o papel. Pwede magkaroon ng digital scribble board para sa laro.
Importansya ng online connection ngayon Buwan ng Wika
Kakaiba man ang Buwan ng Wika ngayong taon, ang importante ay bigyan ng halaga ang sariling wika. Upang makipag-connect sa iba at makapagdiwang ng okasyong ito kahit mula sa iyong bahay, ang mahalaga ay magkaroon ng stable, reliable at unlimited na fiber internet connection. Pwede kang mag-connect sa social media at mag-research tungkol sa Buwan ng Wika gamit ang internet.

Ang Streamtech ay isa sa pinakabago at mabilis na internet service provider sa Pilipinas. Dahil sa Streamtech, madaming Pinoy ang nakakapagdiwang ng iba’t-ibang okasyon kagaya ng Buwan ng Wika, magkakalayo man ngayon ang isa’t isa. Kaya naman sa tulong ng Streamtech, talagang maaari mo ngang i-exceed ang limits mo.
What Streamtech actually does?
Streamtech empowers subscribers with fast and reliable internet at an affordable price. Aside from fast and reliable internet, Streamtech also offers cable TV services through our ongoing partnership with Planet Cable.
To add to these, Streamtech also levels up your home connectivity with special packages designed for your needs. The Extendifi WiFi Extender amplifies the Streamtech internet connection throughout your household so everyone can experience the unlimited fiber internet service of Streamtech. The ZPacks vlogging kit allows you to create excellent quality content this Buwan ng Wika. The DigiClass package is perfect for online learners celebrating Buwan ng Wika this month. Meanwhile, the gaming kit is great for avid gamers who want to have fun amid the pandemic.
For more information on Streamtech and our various products, contact our team today or visit our Facebook page.